^

Bansa

Mister isinanla driver’s license sa botika, nag-viral

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Para sa gamot ni misis

MANILA, Philippines — Mapagmahal na puso na nagsimula noong Valentine’s Day ang patuloy na nagiging viral ngayon sa social media dahil sa pagsangla ng isang lalaki ng kanyang driver’s license para sa gamot ng misis.

“Iwan ko muna ang ID ko, bukas pa kasi sahod ko,” ang sabi ni Moises Labrador ng Imus, Cavite sa may-ari ng JCL Pharmacy na si Jim Soriano, nang magkulang ang pambayad sa antibiotics at pain reliever na kailangan ng misis na aksidenteng nakatapak ng pako noong Pebrero 14, 2026.

Ang pangyayari na may kalakip na CCTV footage ay ipinost mismo ni Soriano sa social media na humakot ng simpatiya sa netizens.

Nangako si Labrador na babalikan niya ang utang kapag nakuha na ang suweldo, at sa pagbalik niya sa botika para magbayad makalipas ang dalawang araw, nasorpresa siya nang sabihin sa kanya ni Soriano na may nagbigay ng donasyon para sa utang niya.

Dahil sa awa sa customer na kaedad ng kanyang ama, pinagbigyan umano niya si Labrador, ani Soriano.

Sa part 2 ng video post ni Soriano, makikita na bumalik si Labrador kasama ang misis para magbayad at magpasalamat, subalit sa halip na magbayad, tumanggap pa sila ng regalo na groceries at kaunting financial assistance mula kay Soriano, at nalaman na may mga netizens na nagbigay ng donasyon para sa naiwang utang.

LICENSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with