^

Bansa

Duterte pinagbigyan ng ICC na ‘wag dumalo sa pagdinig

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte pinagbigyan ng ICC na ‘wag dumalo sa pagdinig
Sa inilabas na desisyon ng ICC Pre-Trial Chamber I, magpapatuloy ang pagdinig nang wala si Duterte sa korte, personal man o sa pamamagitan ng video link.
Facebook / International Criminal Court; House of Representatives / Release

MANILA, Philippines — Inaprubahan ng Pre-Trial Chamber I ng International Criminal Court (ICC) ang kahilingan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dumalo sa pagdinig ng “confirmation of charges” na nakatakda mula Pebrero 23-27.

Sa inilabas na desisyon ng ICC Pre-Trial Chamber I, magpapatuloy ang pagdinig nang wala si Duterte sa korte, personal man o sa pamamagitan ng video link.

Bagama’t hindi isang aktwal na paglilitis, pagpapasyahan pa rin ng mga hukom kung may sapat na ebidensya upang ipadala ang kaso ni Duterte sa isang full trial.

Nauna rito, sinabi ni Duterte na tinatalikuran niya ang kanyang karapatang dumalo sa mga paglilitis dahil hindi niya kinikilala ang hurisdiksyon ng ICC. Dinukot lamang umano siya sa Pilipinas at sapilitang dinala sa The Hague sa Netherlands kung saan siya nakakulong.

Kapwa tinutulan ng ICC Office of the Prose­cutor at ng Common Legal Representatives of Victims ang kahilingan, dahil wala anilang makatwirang dahilan para hindi dumalo si Duterte sa pagdinig.

Iginiit ng ICC Prosecutors na dapat pilitin si Duterte na dumalo sa “confirmation of charges” hearing dahil siya naman ay fit, available, at dapat personal na humarap sa pagdinig.

CHAMBER

ICC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with