Kampo ni Revilla humirit makapagpiyansa

MANILA, Philippines — Humirit sa Sandiganbayan ang kampo ni dating senador Bong Revilla na payagan siyang makapagpiyansa kaugnay ng kasong malversation hinggil sa P92.8-milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
Ito ang kinumpirma ni Atty. Dennis Pulma ng 3rd Division Clerk of Court ng Sandiganbayan.
Una nang nagpasok ang Sandiganbayan Third Division ng not guilty plea para kay Revilla sa ginawang arraignment ng graft court sa kaso samantalang ang mga kapwa akusado nito ay pawang nagpasok ng not guilty plea sa naturang kaso.
Ang Sandigan 4th division naman ang nagpasok ng not guilty plea kay Revilla sa kasong graft nito na may kinalaman din sa naturang ghost project.
Si Revilla ay nananatiling nakakulong sa Quezon City Payatas Jail makaraang tumanggi ang graft court sa hiling ni Revilla na mailipat sa PNP detention cell sa Kampo Krame.
- Latest


















