^

Bansa

‘Basura palit bigas’ gagawing nationwide

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinusulong sa Kamara ang panukalang pagpapalit ng bigas sa mga basurang maiipon o mapupulot.

Sa House Bill 7781 o “Walang Plastikan, Palit Bigas Act” na inihain ni Pampanga Rep. Carmelo Lazatin Jr., layon nito na matugunan ang lumalalang problema sa mga basura lalo na sa mga plastic.

Gayundin sa mga basurang nabubulok at bumabara sa mga waterways na banta hindi lamang sa ating kapaligiran kundi maging sa kalusugan ng mga tao.

Base sa What a Waste Global Database ng World Bank noong 2025, umaabot sa 11.2 bilyon tonelada ng solid waste ang nakokolekta sa buong mundo subalit mas marami pa rin ang hindi nakokolekta.

Sa Pilipinas, mayroong 14.6 milyon tone­lada aniya ng municipal solid waste. Base sa datos mula sa 2025 World Bank What a Waste Global Database at sa katulad na report, Pilipinas ang pang-27 sa 50 bansa pagdating sa waste generation.

Kaya giit ng Kongresista, na mas palakasin pa ang Republic Act No.9003 o Ecological Solid Waste Management Act at magkaroon ng budget para sa pambili ng bigas sa bawat isusurender na basura lalo na ang mga plastic.

Ang nasabing programa ay ipinapatupad na sa Angeles, City, Pampanga; Magallanes Cavite; San Jacinto, Masbate; Barangay Dalupaon, Pasaco, Camarines Sur, Pagbilao Quezon; Tarlac at Bolinao Pangasinan.

HIndi naman binanggit ng mambabatas kung ilang kilo ng bigas ang ipapalit sa bawat kilo ng plastic na isusurender ng mga tao.

HOUSE BILL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with