Pagtakbo ni Sara sa 2028 iwas impeachment – Gadon

MANILA, Philippines — Taktika lang umano ni Vice President Sara Duterte ang pagdedeklara nang pagtakbo sa pagkapangulo sa 2028 upang depensahan ang impeachment proceeding laban sa kanya.
Ayon kay Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon, napakalayo pa ng 2028 subalit nagdeklara na si Duterte na hindi rin naman umano mananalo.
“Dahil unang-una, ang Philippine politics is divided only to two major camps, that is Marcos and Aquinos. Ang mga Marcos natural hindi na siya iboboto. Hindi na siya iboboto ng mga Marcos Loyalists at mga Ilocanong Solid North na hanggang Mindanao ay napakaraming Ilocano at ang mga tinatawag nating mga ‘Waray’ ‘yun mga kakampi nila Madame Imelda Marcos at nila Martin, ang mga Romualdez. Kaya imposibleng manggagaling pa ang mga boto sa kanya sa mga Marcos camp,” paliwanag pa ni Gadon.
Maging ang mga tinatawag na oposisyon ay hindi rin aniya papanig o sasama sa kandidatura ni Duterte.
“Tingan naman natin ang mga ‘leftist’ o’ yun mga nasa kaliwa. Hindi rin siya iboboto dahil dahil galit na galit sa mga Duterte ang mga iyan. Ang mangyayari ang mga leftist kakampi yan sa Liberal Party o ’yan mga dilawan o pinklawan. O kaya ay posibleng kumampi sila sa mga Marcos,” dagdag pa ni Gadon.
- Latest



















