^

Bansa

Cyber threats, lalabanan ng 3 bagong programa ng DICT

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Higit pang magiging agresibo ang gobyerno ngayon sa paglaban sa Cyber Threats.

Ito ay makaraang ilunsad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang tatlong bagong cybersecurity initiatives ng ahensiya na magpapalakas sa government’s cybersecurity toolkit ng bansa.

Ayon kay DICT Undersceretary Julius Gorospe, ang Bug Bounty Program, DICT Trusted Assessment Provider (DTAP) at Cybersecurity Posture Assessment Labortory (CPAL) ang lalaban para protektahan ang digital systems ng pamahalaan at publiko.

“We are moving beyond reacting to cyber incidents. These programs institutionalize proactive security, thereby protecting government systems and the ­Filipino people who depend on them,” pahayag ni Gorospe.

Ang Bug Bounty Program ay nag-iimbita sa mga ethical hacker na responsableng iulat ang mga kahinaan sa mga sistema ng pamahalaan, upang mas mapatatag ang seguridad ng mga online na serbisyong araw-araw na ginagamit ng milyun-milyong Pilipino — mula sa mga pampublikong portal hanggang sa mga digital na transaksyon.

Samantala, sinabi naman ni DICT Cybersecurity Director GeorgeTardio na ang CPAL ay tagapagbigay ng sistematikong pagsusuri sa cybersecurity posture, na nagbibigay-daan sa mga ahensya at organisasyon na matukoy nang maaga ang mga kahinaan at mapalakas ang kanilang depensa bago pa man maganap ang mga cyberattack.

CYBER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with