27% Pinoy, dumanas ng ‘cheating’ sa relasyon

MANILA, Philippines — Isa sa bawat apat na Filipino ang nakaranas ng personal cheating o panloloko sa relasyon.
Batay sa Fourth Quarter 2025 Social Weather Stations (SWS) survey, 27% ang nakaranas ng infidelity o panloloko at pagtataksil habang 72% ang hindi nakaranas ng ganito.
Ang pinakakaraniwang binanggit na mga panloloko ay physical at emotional cheating na kapwa may 11%.
Tinukoy sa survey na ang physical cheating ay pakikipagtalik o pakikipag-date sa ibang tao bukod sa sariling kapareha.
Samantala, ang emotional cheating ay tumutukoy sa pagbabahagi ng mga personal na problema sa ibang tao sa halip na sa sariling kapareha, o pagbuo ng romantikong damdamin para sa iba, kahit walang pisikal na relasyon.
Ilan pa sa mga tinukoy na cheating ang cybercheating na may 6%, object cheating 6%, financial cheating 5%, micro-cheating tulad ng affectionate terms gaya ng “baby” o “love” sa ibang tao, 4%.
Nasa 8% naman ang nakaranas ng dalawa o higit pang uri ng cheating.
Nasa 43% ng mga Pinoy ang naniniwalang maaari pang maibalik ang tiwala matapos ang pandaraya, habang 36% ang nagsabing hindi na ito posible at 19% ang walang tiyak na paninindigan.
- Latest



















