Revilla humarap sa DOJ sa plunder case

MANILA, Philippines — Dumalo si dating Senator Bong Revilla sa Department of Justice (DOJ) para sa preliminary investigation sa kinakaharap na reklamong plunder kaugnay sa flood control projects, nitong Huwebes ng hapon.
Si Revilla na nakakulong sa Male Dormitory Payatas Quezon City Jail, ay nakasuot ng dilaw na jail t-shirt na nakapatong ang bullet vest habang nakaposas at ineskortan ng mga miyembro ng Payatas Police sa DOJ.
Sangkot si Revilla sa mga reklamong plunder, violation of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act, direct bribery and receiving gifts by public officers, at corruption of public officers.
Dumalo rin sina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) undersecretary Roberto Bernardo, dating DPWH engineer Henry Alcantara, at dating DPWH-National Capital Region Director Gerard Opulencia, bilang state witness.
Una nang itinanggi ni Revilla ang mga alegasyon.
Kasabay nito, nagsagawa naman ng kilos protesta sa harapan ng DOJ ang kanyang mga tagasuporta.
- Latest

















