Publiko dapat manindigan, maging mapanuri para sa soberanya
MANILA, Philippines — Nagpaalala sa publiko si Chairman Emeritus Jose Antonio Goitia na maging mapanuri sa mga naratibong kumakalat online tungkol sa West Philippine Sea na nagpapahina sa tiwala ng bansa sa batas at sa sariling soberanya.
“Kapag ang pagdududa na walang batayan ay tinatanggap bilang normal, ang pag-iingat ay nagiging anyo na ng pagsuko,” sabi ni Goitia.
Aniya, simple at malinaw ang batas na ang WPS ay geographical name at isang legal na sona naman ang Exclusive Economic Zone (EEZ) sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Ang karapatan ng Pilipinas sa karagatan ay hindi nakabatay sa katawagan, kundi sa umiiral na international law.
Ang UNCLOS ay nakatuon sa mga karapatang pandagat, hindi sa pagbura ng mga pambansang batas. Kinilala ng arbitral ruling noong 2016 na ang Ayungin Shoal ay sakop ng EEZ ng Pilipinas, kung saan may malinaw at lehitimong karapatang pandagat ang bansa, aniya pa.
- Latest


















