Basyang lumalakas, 14 lugar Signal No. 2

MANILA, Philippines — Patuloy ang paglakas ng bagyong Basyang habang ito ay kumikilos palapit ng Eastern Mindanao.
Sa 11am bulletin ng PAGASA kahapon, namataan si Basyang sa layong 295 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kph at pagbugso na aabot sa 80kph.
Signal number 2 sa Siquijor, southeastern portion ng Negros Oriental, southern portion ng Cebu, southern portion ng Bohol, Surigao del Norte kasama na ang Siargao - Bucas Grande Islands, Surigao del Sur, extreme northern portion ng Davao Oriental, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Misamis Oriental, northern portion ng Bukidnon, northeastern portion ng Lanao del Norte, northeastern portion ng Misamis Occidental at Camiguin.
Nag-landfall si Basyang Huwebes ng gabi sa Surigao del Sur at magla-landfall ulit sa Siquijor at southern portion ng Negros Oriental, Biyernes ng hapon.
Si Basyang ay inaasahang tutungo sa Sulu Sea at saka tatawid sa northern portion ng Palawan Sabado ng hapon o gabi, Pebrero 7.
Lalong lalakas si Basyang bago ang kanyang pagbagsak sa lupa. Oras na lumapit ito sa landmass ay hihina pero mananatiling isang tropical depression sa Sabado hanggang sa maging isang Low Pressure Area (LPA) na lamang sa Lunes, Pebrero 9.
- Latest


















