^

Bansa

NCR, bagong ‘ground zero’ ng CPP-NPA-NDF propaganda

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ikinabahala ni NTF-ELCAC Executive Director Ernesto Torres Jr. ang impormasyon na nagsisilbi nang ‘ground zero’ ng disinformation ng CPP–NPA–NDF ang Metro Manila sa kabila ng patuloy ng paghina ng communist insurgency.

Ayon kay Torres, sa pagliit ng impluwensiya, recruitment at suporta ng masa sa mga rehiyon, sinusubukan ng  communist group na bumuo ng urban information space.

“Bilang sentrong pampulitika, pang-ekonomiya, at pang-impormasyon ng bansa, sadyang tinatarget ang NCR bilang pangunahing larangan ng propaganda at mga operasyong sikolohikal,” ani Torres.

Itinuro rin ni Torres ang pagdami ng magkakaugnay na online activity na pinangungunahan ng NCR-based front organizations bilang tanda ng estratehikong pagbabago ng kilusang komunista.

Ginagamit ang digital platforms at social media upang maghasik ng kawalan ng tiwala, baluktutin ang katotohanan, at udyukan ang publiko laban sa pamahalaan.

Binalaan niya na ang terrorist-grooming, disinformation, misinformation, hate speech, at planadong kasinungalingan ay direktang banta sa mga pinaghirapang tagumpay sa kapayapaan sa yugto ng post-conflict.

EXECUTIVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with