Impeachment vs Pangulong Marcos hihimayin na sa Kamara

MANILA, Philippines — Sisimulan nang isalang sa deliberasyon ng House Committee on Justice kung may sapat na porma at sustansiya ang inihaing impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes, Pebrero 2.
“Sa Lunes magsisimula po ang proceedings ng House Committee on Justice. Handa po ang buong Committee na dinggin ‘yung dalawang tanong, sufficiency in form and sufficiency in substance, nung dalawang impeachment complaints na filed laban kay Pangulong Ferdinand Bongbong R. Marcos Jr.,” ani Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon.
Enero 19 nang ihain ang impeachment complaint laban kay PBBM ni Atty. Andre de Jesus kaugnay sa umano’y kidnapping ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Ang ikalawang reklamo ay isinampa naman ng progressive group leaders at House members mula sa Makabayan bloc noong Enero 26.
Nakasaad dito ang umano’y betrayal of public trust kabilang ang pagsisingit umano ng P100 bilyon sa national budget at kickbacks sa flood control program.
“Inuna muna doon ‘yung arrest ni former President Rodrigo Duterte at pagdadala sa kanya sa The Hague to face trial under the International Criminal Court. Ang ginawa ng Executive ay pag-implement ng isang tratado sa pagitan ng Pilipinas at ng Interpol,” ani Ridon.
Aminado si Ridon na mahihirapang makalusot sa Kamara ang impeachment complaint laban kay PBBM.
“Sa tingin ko walang impeachable offense na ganyang bagay. It does not rise to the culpable violation of the Constitution. It does not rise to betrayal of public trust,” giit ni Ridon.
- Latest






















