^

Bansa

Walang life vests, overloading sinisilip sa lumubog na RoRo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Walang life vests, overloading sinisilip sa lumubog na RoRo
Map of Basilan
Google Maps

MANILA, Philippines — Walang life vests, overloading sinisilip sa lumubog na RoRo Iimbestigahan ng Mari­time Industry Autho­rity (Marina) ang paha­yag ng ilang survivors na kulang umano ang mga life vests nang lumubog na Roll-on/Roll-off vessel na M/V Trisha Kirsten 3 sa Basilan waters kama­kailan.

Ayon kay Marina spokesperson Dir. Luisito delos Santos, maaaring nagkaroon ng lapses o kakulangan na siya nilang tututukan sa isasagawang imbestigasyon at safety audit sa Aleson Shipping Lines, na siyang may-ari ng lumubog na barko.

“May mga violation na nakikita natin. Una, it appears na ‘yung naka-assign na barko sa mga kababayan natin na luluwas sa araw na ‘yun ay hindi talaga ‘yun ‘yung barko na sasakyan nila... Mukhang pinalitan,” ani delos Santos.

“Kasama rin sa imbestigasyon natin ‘yan (kakulangan ng life vests)... Ang nakakalungkot, ‘yung mga paunang recount ng mga passenger, may mga life vest kaso allegedly, naka-lock ang lagayan ng life vest,” dagdag pa niya.

Paliwanag ni delos Santos, ang life vests ang pangunahing depensa natin lalo na kung nagkakaroon ng mga aberyang ganito.

Ang bilang ng functional life jackets ay dapat na katumbas ng bilang ng authorized passenger capacity ng isang barko.

Samantala, umakyat na sa 39 ang bilang ng mga pasaherong nasawi matapos makarekober ang search teams ng tatlo pang bangkay.

RORO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with