Pinauwing Fil-Am ‘ikinanta’ kaugnayan sa CPP-NPA
MANILA, Philippines — Ang desisyon ng pamahalaan ng Pilipinas na pauwiin ang Fil-Am na si Chantal Anicoche ay nakabatay sa kanyang sariling pag-amin at pagkakasangkot sa mga organisasyong nasa ibang bansa na bahagi ng pandaigdigang support network ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Ayon kay Usec. Ernesto C. Torres Jr., Executive Director ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC),
sa isinagawang debriefing ay inamin ni Anicoche na siya ay dumating sa Pilipinas upang makipag-ugnayan sa NPA at siya ay nananatili sa isang kampo ng NPA sa panahong naganap ang engkuwentro.
Natagpuan si Anicoche malapit sa lugar ng armadong engkuwentro noong Enero 1 sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro, sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at ng NPA. Sa naturang insidente, isang estudyante ang nasawi, isa pa ang naiulat na nawawala, at dalawang sundalo ang nasugatan.
Ayon kay Torres, ang naging hakbang ng pamahalaan ay naaayon sa batas, suportado ng ebidensya, at isinagawa dahil sa lehitimong konsiderasyong pangseguridad at pang-imigrasyon—hindi dahil sa pulitikal na motibo.
- Latest






















