^

Bansa

SILG: Co nagbitbit ng $100 milyong cryptocurrency sa pagtakas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May bitbit umano si dating Ako Bicol Rep. Rizaldy Co ng $100 milyon o P5.85 bilyon na cryptocurrency sa ibang bansa nang tumakas mula sa Pilipinas.

Ito, ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla ang posibleng ginagamit ni Co sa pagtatago nito sa ibang bansa dahil naka-freeze na ang mga credit card ng dating mambabatas.

“Ang alam namin, mga 100 million dollars ang dinala niya abroad via crypto, ‘yun ‘yung ginagamit niya. Kriminal talaga. Marunong talaga sa krimen. Pati escape route ng pera, escape route ng bahay niya kung saan siya titira, alam niya, escape route kung paano siya iikot, alam niya rin… more than a congressman, more than a businessman, he’s a criminal,” sabi ni Remulla.

Ayon kay Remulla, planong makipag-ugnayan ang pamahalaan sa Sweden na sinasabing gumagamit ito ng foreign passport sa mga biyahe sa Europe.

Napaulat na si Co ay humarap sa isang notaryo sa Stockholm, Sweden noong Enero 15 matapos maghain ng petition for certiorari sa Korte Suprema laban kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla.

Sa petisyon ni Co, hiniling nito sa Korte na mag-isyu ng Temporary Restraining Order (TRO) and/or Writ of Preliminary Injunction laban sa resolusyong inilabas ni Remulla na nagrerekomenda ng pagsasampa ng kaso kaugnay sa maanomalyang flood control projects sa Oriental Mindoro.

Una nang napabalitang si Co ay nagtatago sa Portugal makaraang makakuha ng golden visa doon dahil sa malaking negosyo na nailagak sa bansa.

CRYPTOCURRENCY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with