^

Bansa

Kasambahay sa NCR, may P800 umento

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Kasambahay sa NCR, may P800 umento
Ito’y matapos na aprubahan ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board-NCR (RTWPB-NCR) ang Wage Order No. NCR-DW-06 noong Enero 15, 2026 na nagkakaloob ng naturang wage adjustment.
AFP / File

Epektibo sa Pebrero 7

MANILA, Philippines — Makatatanggap ng P800 umento sa kanilang buwanang sahod ang mga kasambahay sa National Capital Region (NCR).

Ito’y matapos na aprubahan ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board-NCR (RTWPB-NCR) ang Wage Order No. NCR-DW-06 noong Enero 15, 2026 na nagkakaloob ng naturang wage adjustment.

Sa abiso ng National Wages and Productivity Commission (NWCP), sa ilalim ng naturang wage order, itinaas ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa rehiyon ng mula P7,000 hanggang P7,800 kada buwan.

Ang naturang umento ay magiging epektibo sa Pebrero 7 o 15 araw mula sa publikasyon ng naturang wage order.

“Simula 7 Pebrero 2026, epektibo na ang P800 na taas-sahod para sa mga  kasambahay sa National Capital Region,” ayon sa NWCP.

Sakop ng wage adjustment ang mga general househelp, stay-in man o live-out; yaya; kusinera; hardinero; labandera; at sinumang indibidwal na gumaganap ng domestic work sa isang tahanan.

Samantala, hindi naman saklaw ng nasabing wage hike ang service providers, family drivers at mga indibidwal na ang trabaho ay paminsan-minsan lamang at hindi sa isang occupational basis.

NCR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with