^

Bansa

Arraignment ni Revilla ipinagpaliban

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Arraignment ni Revilla ipinagpaliban
Dumalo sina dating senator Bong Revilla, Bulacan District Engineer Brice Hernandez, at iba pang kapwa akusado sa Sandiganbayan, Quezon City kahapon para sa pagbasa ng sakdal na ipinagpaliban sa Pebrero 9.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ipinagpaliban ng Sandiganbayan Third Division ang pagbasa ng sakdal kay dating senador Bong Revilla at anim na iba pang kapwa akusado sa kasong malversation na may kinalaman sa umano’y P92.8-milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.

Ito, ayon kay Sandiganbayan Third Division chairperson at Associate Justice Karl Miranda ay dahil mayroon pang mga naka-pending na mosyon ang mga respondents sa kaso kaugnay ng umano’y merito ng kasong malversation na naisampa sa mga akusado.

Bunga ng postponement, itinakda ng graft court na ituloy ang arraignment sa February 9, 2026 ng 8:30 ng umaga.

Sa pagbasa ng sakdal sa mga akusado ay maaaring magpasok ang mga ito ng guilty o not guilty plea kaugnay ng kaso.

Naitakda naman ng Sandiganbayan ang arraignment sa hiwalay na kasong graft ni Revilla sa Pebrero 9 na unang itinakda sa Enero 30.

Inatasan ni Miranda ang panig ng depensa na isampa na ang kanilang iba pang mosyon sa Lunes, Enero 26 habang sa panig ng prosekusyon ay sa Enero 28.

Si Revilla at mga kapwa akusado ay dumalo sa arraignment sa Sandiganbayan kahapon suot ang dilaw na t-shirt na sinamahan ng kanyang maybahay na si Lani at mga anak na sina Brian at Jolo.

SANDIGAN BAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with