^

Bansa

PANOORIN: Hontiveros dismayado sa sinabi ni Curlee Discaya

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binatikos ni Senate Deputy Majority Leader Risa Hontiveros ang pahayag ni Curlee Discaya na sila umano ang biktima ng “modern-day na pagnanakaw,” at iginiit na tigilan na ang pag-iwas at pagdi-deflect sa mga tanong ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng imbestigasyon sa mga flood control projects.

Sa pagdinig nitong Lunes, Enero 19, sinabi ni Discaya na para umanong sila ang ninakawan sa usapin ng pagbabalik ng sinasabing nakulimbat na pondo—isang pahayag na ikinagulat ng ilang senador.

Ayon kay Hontiveros, “halos mahulog sa silya” ang ilan sa kanila nang marinig ang naturang pahayag, at iginiit na hindi dapat baligtarin ang isyu sa gitna ng mga alegasyon ng anomalya.

Giit ng senadora, kung tunay na nais ng mga sangkot na makipagtulungan sa pamahalaan at makapasok sa Witness Protection Program, dapat ay tapat at kumpleto ang pagsagot nila sa mga tanong ng Senado.

Binanggit din ni Hontiveros na inamin mismo ni Sara Discaya sa mga naunang pagdinig na mula pa 2016 ay tumatanggap na sila ng malalaking kontrata ng gobyerno, kabilang ang flood control projects, na tinatayang umabot sa mahigit ?300 bilyon hanggang 2025.

Ayon sa senadora, mahalagang matukoy ang paper trail ng mga proyektong ito upang mabuo ang kabuuang larawan ng umano’y mga iregularidad.

FLOOD CONTROL PROBE

RISA HONTIVEROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with