TIN: Walang ghost, substandard projects sa Bohol
MANILA, Philippines — Nilinaw ng independent anti-corruption advocacy group na Truth and Integrity Network (TIN) na walang ghost projects at walang substandard projects sa Bohol 3rd District matapos ang isinagawang on-site inspection at masusing pagsusuri sa mga proyekto ng pamahalaan sa distrito.
Ayon kay Andres Tiangco, tagapagsalita at Executive Director ng TIN, lahat ng proyektong sinuri sa distrito ni Cong. Alexei Tutor ay tunay, maayos ang kalidad, at kumpleto ang dokumentasyon. “Malinaw sa aming imbestigasyon—walang ghost projects at hindi substandard ang mga proyekto,” ani Tiangco.
Mariin ding itinanggi ng TIN ang mga alegasyon ng collusion o bid-rigging laban kay Cong. Tutor at Cong. Edwin Gardiola.
Ayon sa grupo, walang ebidensya na sumusuporta sa mga paratang. Lahat ng proyekto ay dumaan sa tamang public bidding, ipinatupad ng mga pambansang ahensiya, at nilinis o na-validate ng mga state auditors, alinsunod sa umiiral na batas at regulasyon.
“Ang papel ng kongresista ay tukuyin at isulong ang pangangailangan ng distrito; ang pagpapatupad ay nasa implementing agencies,” sabi ni Tiangco.
- Latest



















