Razon kinasuhan ng cyberlibel si Kiko
MANILA, Philippines — Sinampahan ng reklamong two counts ng cyber libel ng negosyanteng si Enrique Razon si suspended Cavite Rep. Kiko Barzaga sa Makati City Prosecutor’s Office nitong Miyerkules, Enero 14.
Nag-ugat ang kaso sa mga akusasyon ni Barzaga na naka-post sa Facebook na sinuhulan umano ni Razon ang mga mambabatas kapalit ng suporta sa speakership ni Martin Romualdez.
Pinanumpaan ni Razon ang complaint sa harap ni Assistant City Prosecutor Nicu dela Merced at sinaksihan ni Chief City Prosecutor Dindo Venturanza at legal counsel ni Razon na si Atty. Laurence Arroyo.
- Latest























