^

Bansa

Tambak na basura iniwan sa Traslacion

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Tambak na basura iniwan sa Traslacion
Nakatulog na sa gilid ng Quezon Boulevard ang mga deboto sa sobrang pagod matapos abutin ng halos 31 oras ang Traslacion. Tambak na mga basura naman ang naiwan sa nasabing prusisyon.
Noel B. Pabalate

MANILA, Philippines — Tambak na mga basu­ra ang iniwan ng mga deboto simula sa Luneta, Quirino Grandstand hanggang sa Quiapo, Maynila sa ginanap na “Pahalik” at Traslacion, ayon sa EcoWaste Coalition.

Kabilang sa mga ba­sura ang mga kahon, karton, foil, plastik na trapal, at mga pahayagan na ginawang sapin sa pagtulog; mga pinagbalutan ng pagkain, sachet ng kape, cup noodles, mga tasa at tub na papel at plastik; mga basura ng pagkain, upos ng sigarilyo at vape, mga tsinelas, at mga plastic bag na naglalaman ng magkahalong basura.

Pinakaproblema ng mga tagalinis ang mga plastic bottles na naglalaman ng mga ihi na itinambak sa bahagi ng Luneta.

Sa ruta ng prusisyon sa Quiapo, binaha ang mga kalye ng single-use plastic bottle ng tubig, papel, at plastik na pinagkainan, mga stick na kawayan, at mga natirang pagkain, at kalat mula sa “pa-karidad”.

Tinambakan ng ba­sura ang harap ng Quirino Grandstand; Roxas Boulevard mula T. M. Kalaw St. hanggang Katigbak Drive; T. M. Kalaw St.; Carlos Palanca St. mula Plaza Lacson hanggang Quinta Market; magkabilang gilid ng Quezon Boulevard mula Quezon Bridge hanggang Recto Avenue; Carriedo St.; R. Hidalgo St. mula Lacson Underpass hanggang Plaza del Carmen; Concepcion Aguila, Arlegui, Z.P. de Guzman, Bilibid Viejo, Casal at mga katabing kalye.

Dismayado ang Eco­Waste dahil hindi pa rin nagbabago ang mga deboto sa pagkakalat ng basura.

“Our repeated pleas for a waste-free conduct of Traslacion have gone unheeded,” pahayag ni Ochie Tolentino, Zero Waste Campaigner, EcoWaste Coalition.

Hindi aniya katanggap-tanggap ang walang patumanggang pagtatapon ng basura na matagal nang isyu hanggang ngayon.

ECOWASTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with