^

Bansa

‘Cabral files’ hihingin ng Infracomm – Ridon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nais makakuha ng kopya ang House Infrastructure Committee (Infracomm) sa sinasabing “Cabral files” na naglalaman ng mga dokumento sa mga umano’y pinasok na kontrata ng Department of Public Works and Highways (DPWH) may kinalaman sa flood control mess.

Ito ayon kay Infracomm Committee Co-Chairman Terry Ridon ay upang matiyak ang authenticity nito at masagot ang ilang mga katanungan hinggil dito.

Sinasabing ang Cabral files ay maaaring naglalaman ng impormasyon ng talaan ng insertions at mga proponents nito sa mga proyektong dumaan sa tanggapan ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral.

Aniya, hihingin din nila ang kopya sa Ombudsman pero kailangan nilang maghintay kung natapos na nito ang kanilang forensic inquiry sa files at devices ni Cabral.

Malaki ang paniwala ni Ridon na walang dahilan na hindi mabibigyan ng kopya ang House Infracomm and Public Accounts mula sa DPWH kung bibigyan nito ng kopya ang Ombudsman.

Sa susunod na linggo ay magpapadala sila ng request sa DPWH para rito.

Niliwanag din ni Ridon na nais lamang nilang magkaroon ng kopya ng Cabral files kung kinakailangan pero hindi ito bubusisiin pa.

FILES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with