^

Bansa

Marcos biyaheng Abu Dhabi

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tutulak patungong United Arab Emirates (UAE) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa susunod na linggo para sa isang araw na working visit.

Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na magtutungong Abu Dhabi ang Pangulo sa Lunes, Enero 12, 2025 dahil na rin sa paanyaya ni King Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan ng UAE.

Sa nasabing working visit ay para sa Abu Dhabi Sustainabitliy Week kung saan tatalakayin ang mga hakbang para isulong ang global sustainability.

Makakasama ng Pangulo ang iba pang heads of state at government ng iba’t ibang bansa sa pagtalakay ng mga isyu tungkol sa enerhiya, tubig, usaping pinansyal, pagkain at kalikasan.

Nakatakda rin daluhan ni Marcos ang paglagda sa dalawang mahalagang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at UAE na naglalayong palawakin ang market access ng bansa sa Gitnang Silangan.

Naniniwala naman si Pangulong Marcos na magiging makabuluhan at kapaki-pakinabang para sa sambayang Pilipino ang kanyang pagbisita sa Abu Dhabi.

UNITED ARAB EMIRATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with