^

Bansa

VAT, hirit gawing 10% na lang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
VAT, hirit gawing 10% na lang
Ayon kay Tulfo, ang pagbabawas ng VAT ay “agarang magpapataas sa kakayahan ng mga Pilipino na bumili ng mga produkto sa merkado,” na sa huli ay magpapalakas sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.
CC / Michal Jarmoluk, File

MANILA, Philippines — Dahil nananatiling pangunahing suliranin ng mga Pilipino ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin, inihain ni Senador Erwin Tulfo ang Senate Bill No. 1552 na naglalayong ibaba ang Value-added Tax (VAT) mula 12% patungong 10%.

Ayon kay Tulfo, ang pagbabawas ng VAT ay “agarang magpapataas sa kakayahan ng mga Pilipino na bumili ng mga produkto sa merkado,” na sa huli ay magpapalakas sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.

“Tayo ang isa sa may pinakamataas na VAT sa buong Southeast Asia at mabigat na pasanin ito para sa mga pamilyang low at middle-income. Malaking bahagi ng kanilang kinikita ang napupunta sa buwis sa halip na ipambili ng iba pa nilang pangangaila­ngan,” pahayag ng Senador.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas at Indonesia ang may pinakamataas na VAT sa rehiyon na nasa 12%. Sinusundan ito ng Cambodia, Vietnam, at Laos (10%), Singapore (9%), Thailand at Laos (7%), Myanmar (5% Commercial Tax), at Timor-Leste (2.5% Sales Tax).

“Ang VAT Reduction Bill ay hindi lamang magpapagaan sa pasanin ng mga karaniwang Pilipino, kundi gagawin din nitong mas competitive ang ­ating bansa kumpara sa ating mga karatig-bansa sa SEA,” dagdag ng senador.

Upang matiyak ang fiscal discipline, may nakapaloob na safeguard sa panukala ni Tulfo. Binibigyan nito ng kapangyarihan ang Pangulo, sa rekomendasyon ng Secretary of Finance, na pansamantalang ibalik sa 12% ang VAT kung sakaling lumampas ang national deficit sa itinakdang target ng Development Budget Coordination Committee (DBCC).

Matatandaang naghain din noon si Sen. Erwin ng panukala para sa isang buwang tax holiday bilang paraan ng pagbabalik ng pera sa mga Pilipino sa gitna ng mga isyu ng korapsyon.

TULFO

VAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with