Palasyo: ‘Leviste Files’ haka-haka lang
MANILA, Philippines — Naniniwala ang Malakanyang na haka-haka lang ang sinasabing “Leviste Files”.
Sinabi ni Palace Press officer Atty. Claire Castro na hindi pag-aaksayahan ng panahon ng Palasyo ang sinasabing files kung saan naglalaman umano ito ng pangalan ng mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa maanomalyang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kabilang sa sinasabing nabanggit ang pangalan dito ay mula sa tanggapan ng Ehekutibo tulad ng Office of the Executive Secretary at Special Assistant to the President.
Ayon kay Castro, marami sa sinasabing “Leviste Files” ay may mga bersiyon na hindi magkakatugma, tulad ng mayroong nakasulat na annotations, mga pangalan ng mga gabinete at ang ibang bersyon naman ay walang gaanong nilalaman.
Kasabay nito, ipinapaubaya naman ni Castro sa kamay ng Ombudsman ang pag-authenticate o pagpapatunay ng “Leviste Files”.
Giit pa ng tagapagsalita ng Palasyo na ang mga kwentong walang pinanghahawakang matibay na ebidensya ay mananatiling isang haka-haka lang kaya mas mabuting hintayin na lamang ang tanggapan ng Ombudsman na magsalita tungkol sa nasabing files.
- Latest























