^

Bansa

Mandatory dashcam sa motorista, itinulak

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mandatory dashcam sa motorista, itinulak
Ayon kay AAP president Augustus Ferreria, sa ibang bansa ay mandatory na ang dashcam.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Umapela kahapon ang Automobile Association of the Philippines (AAP) sa pamahalaan na gawin ng requirement sa mga motorista ang paglalagay ng dash-mounted cameras sa kanilang mga behikulo.

Ito’y upang maging mas madali umano ang pagrepaso ng mga awto­ridad sa footage sakaling magkaroon ng insidente ng road rage.

Ayon kay AAP president Augustus Ferreria, sa ibang bansa ay mandatory na ang dashcam.

Dahil dito, kapag may sigalot sa kalsada ay nire­repaso na lamang ito sa dashcam.

“Sa ibang bansa, mandatory sa kanila na may dashcam. Kapag may sigalot sa kalsada, ire-review lang ang dashcam. Kitang kita mo yung may kasalanan,” ani Ferreria, sa panayam sa radyo (dzBB).

Dagdag pa niya, “‘Yan ay isa sa mga paraan, na kahit hindi gumastos ang gobyerno, i-require lang nila sa mga nagmamaneho na mayroon silang dashcam.”

Kumpiyansa si Ferreira, na makakatulong ang dashcam upang mapigilan ang mga driver sa paglabag sa batas trapiko.

Samantala, bukod sa dashcam, iminungkahi rin ni Ferreira na isama na ang ‘psychological framework’ ng isang tao sa curriculum ng driving schools.

AAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with