Taas-singil sa SLEX, STAR toll ikakasa sa Enero 1 - TRB
MANILA, Philippines — Epektibo Enero 1 ay ipatutupad ang taas singil sa South Luzon Expressway (SLEX) at Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway.
Batay sa naaprubahang toll fee hike ng Toll Regulatory Board (TRB), ang toll hike sa Alabang papunta sa Calamba para sa Class 1 ay P126, Class 2 - P253, Class 3 - P379.
Ang Calamba papuntang Sto. Tomas ay Class 1 - P34 ,Class 2 - P68 at Class 3 - P102.
Sa STAR Tollway, inaprubahan ng TRB ang mga sumusunod na toll fee hike: sa Sto. Tomas puntang Lipa sa Class 1 - P60, Class 2 - P119 at Class 3 - P179 samantalang sa Lipa puntang Batangas (Section 2) Class 1 - P53, Class 2 – 106 at Class 3 - P159.
- Latest





















