^

Bansa

Mas marami pang aarestuhin pagtapos ng Bagong Taon – PCO

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Mas marami pang aarestuhin pagtapos ng Bagong Taon – PCO
Newly appointed Presidential Communications Secretar.y Dave Gomez
STAR./ File

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Malacañang nitong Biyernes, Disyembre 26, na mas marami pang aarestuhin pagkatapos ng Bagong Taon o sa 2026.

Tinitiyak ni Acting Secretary Dave Gomez ng Presidential Communications Office (PCO) sa publiko na pananagutin ng  administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lahat ng indibidwal na sangkot sa mga iregularidad sa mga infrastructure projects  lalo na sa mga maanomalyang flood control projects.

“The flood control investigation does not end on Dec. 25. It’s only been a little over four months,” ani Gomez.

Sinagot din ni Gomez ang ginagawang pagkukumpara sa mag-asawang sina Curlee at Sarah Discaya sa iba pang nasangkot sa katiwalian katulad ni Janet Lim-Napoles.

Sinabi ni Gomez na tinatawag ang Discaya couple bilang bagong Napoles pero higit aniya sa 10 beses na malaki ang unexplained wealth ng mga Discaya.

Itinanggi ni Gomez ang mga alegasyon na huminto ang imbestigasyon matapos ang mga holiday, at sinabing nagpapatuloy ang trabaho lampas ng Dis­yembre 25 at inaasahang lalo pang iigting sa mga susunod na linggo.

Nauna nang na­ngako si Pangulong Marcos na ipakukulong ang mga responsable sa mga anomalya bago mag-Pasko.

Dagdag pa ni Gomez, habang pinagtitibay na ang mga kaso, dapat umanong umasa ang publiko ng mga bagong kaganapan sa pagsapit ng Bagong Taon.

“There will surely be more thrown behind bars in the New Year,” aniya.

Si Sarah Discaya ay inaresto noong Disyembre 18 kaugnay sa P96 milyon ghost control projects sa Davao Occidental at kasalukuyang nakakulong sa Lapu-Lapu City Jail.

PCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with