Kanlaon, patuloy pag-alboroto

MANILA, Philippines — Patuloy ang pag-aalboroto ng Bulkang Kanlaon sa Negros sa nakalipas na 24 oras.
Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang naturang bulkan ay nagtala ng 7 volcanic earthquakes at pagluwa ng nasa 2,125 tonelada ng asupre.
Nagtala rin ang Kanlaon ng katamtamang pagsingaw na may 75 metrong taas na napadpad sa kanlurang bahagi ng bulkan.
Kinakitaan din ito ng pamamaga kaya’t ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng sinuman sa loob ng apat na kilometrong (4 km) radius Permanent Danger Zone (PDZ) at paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dulot nang banta ng biglang pagputok ng steam o phreatic explosions at pagputok ng magma.
Nananatiling nasa alert level 2 ang Kanlaon na ang ibig sabihin ay patuloy ang pagtaas ng aktibidad ng bulkan.
- Latest





















