^

Bansa

Cabral ‘di na kailangan ng DNA test - abogado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na umano kailangan ang DNA testing dahil positibong kinilala na ng pamilya ang mga labi ni dating DPWH undersecretary na si Catalina Cabral.

Sa isang pahayag, sinabi ni Atty. Mae Divinagracia ng Co & Divinagracia Law Offices na huwag sanang dagdagan pa ang matinding dalamhati na pinagdadaanan ng pamilya ni Cabral sa pamamagitan ng mga haka-haka, akusasyon at mapanirang komento.

Mariin din niyang kinondena ang mga alegasyong pineke umano ang pagkamatay nito, na aniya’y insensitive, walang basehan at lubhang walang pakundangan.

Ayon kay Divinagracia, nararapat lamang na pairalin ang sensibilidad at respeto sa personal boundaries matapos ang pagkamatay ni Cabral.

Binigyang-diin niya na wala pang anumang reklamong kriminal, sibil o administratibo na inihain laban kay Cabral na magbibigay-katuwiran sa pagsamsam ng kanyang cellphone at iba pang personal na gamit.

“The calls for the seizure of her phone and other personal belongings are, thus, unwarranted,” giit niya.

Hiniling din ng pamilya ni Cabral ang agarang pagpapalaya sa kanyang mga labi upang sila ay makapagluksa nang pribado at mailibing siya nang may dignidad at kapayapaan.

Ipinagtanggol din ni Divinagracia ang pagkatao ni Cabral, na ayon sa kanya ay buong buhay na nagserbisyo publiko sa DPWH nang may sipag at integridad.

Aniya, nasira lamang ang reputasyon nito dahil sa mga akusasyong ibinato ng dating DPWH undersecretary na si Roberto Bernardo, na umano’y nag-iisang nag-uugnay kay Cabral sa sinasabing anomalya sa flood control projects.

Ayon pa sa abogado, handang-handa si Cabral na makipagtulungan sa lahat ng imbestigasyon at boluntaryo pa raw itong humarap sa mga pagdinig ng iba’t ibang ahensiya, kabilang ang Senado, Kamara at Office of the Ombudsman.

“She had nothing to hide and her conscience remained clear,” aniya.

Dagdag niya, hindi lamang umano nakadalo si Cabral sa isang pagdinig noong Disyembre 15, 2025 dahil wala siyang natanggap na opisyal na abiso.

DNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with