^

Bansa

DILG: Labi sa Benguet, kay Cabral

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

Walang palatandaan ng foul play - autopsy

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na mga labi ni dating Piblic Works and Highways undersecretary Maria Catalina Cabral ang natagpuang mga labi sa Tuba, Benguet.

Ayon kay Remulla, blunt force trauma ang dahilan ng pagkamatay ni Cabral na tugma sa pagkahulog mula sa mataas na lugar.

Sinabi pa ni Remulla na walang tama ng bala o anumang palatandaan ng foul play ang mga labi ni Cabral.

Isinagawa ang auto­psy kay Cabral matapos payagan ng pamilya ang pagsusuri sa mga labi.

Nabatid na ginawa ang autopsy sa mga labi ni Cabral bandang alas-3:40 ng madaling-araw kamakalawa sa Cordillera Serenity Memorial sa Irisan, Baguio City, kung saan naroon din ang kanyang asawa na si Cesar Cabral.

Nabatid na tanging awtopsiya lamang ang isinagawa ng mga forensic expert ng PNP at walang isinagawang DNA test sa labi ni Cabral.

Umaasa si Remulla na isusuko ng asawa ni Cabral ang mga perso­nal na gamit nito sa mga imbestigador matapos ang libing, habang nakatakda namang ilabas ang opisyal na autopsy report nitong Sabado, ayon sa pulisya.

Matatandaan na noong Biyernes, Disyem­bre 19, ay tumanggi ang asawa ni Cabral sa awtopsiya at nagbigay ito ng waiver sa mga awtoridad.

Kasunod ito ng mga pahayag ng mambabatas at ahensya ng gobyerno na nanawagan ng masu­sing imbestigasyon upang malaman kung may foul play sa pagkamatay ng dating opisyal.

Natagpuan ang mga labi ni Cabral noong Disyembre 18 sa gilid ng Ilog Bued sa Tuba, Benguet, malapit sa Kennon Road.

AUTOPSY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with