Driver ni Cabral ‘person of interest’ – PNP

MANILA, Philippines — Itinuturing na ng Philippine National Police (PNP) na Person of Interest (POI) ang driver ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Catalina Cabral dahil sa ilang kuwestiyonableng kilos habang patungo sila ng Baguio City.
Ayon sa PNP, taliwas sa normal na asal ang ginawa ng driver na si Ricardo Hernandez na iwan ang kanyang boss sa isang liblib na lugar.
Alam din ni Hernandez na iniwan ni Cabral ang kanyang bag at cellphone kaya nakapagtataka ring hinayaan niyang mapag-isa ang dating DPWH Usec.
Isinurender naman ni Hernandez ang cellphone at iba pang gadgets ni Cabral sa pamilya nito.
Samantala, tumanggi naman ang pamilya ni Cabral na ipa-autopsy ang kanyang bangkay, habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente.
- Latest

















