^

Bansa

Pangulong Marcos suportado mas maraming barko para sa Coast Guard

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinusuportahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pagkuha ng mas maraming barko para sa Philippine Coast Guard (PCG) upang protektahan ang interes ng bansa sa West Philippine Sea.

Inihayag ito ng Malacañang sa gitna ng pinakabagong insidente sa Escoda Shoal na kinasasangkutan ng mga barko ng China.

Sinabi ng PCG noong Sabado na inatake ng mga barko ng Chinese Coast Guard (CCG) at Chinese maritime militia (CMM) ang mga bangkang Pilipino gamit ang mga water cannon at gumamit din ng mga mapanganib na maniobra sa pagharang malapit sa Escoda Shoal.

Nangyari ang insidente sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas. Tatlong Pilipinong mangingisda ang nasugatan mula sa water cannon na inulat na nagdulot ng mga pasa at sugat.

Dalawa sa kanilang mga bangka ang nasira ng mga pagsabog ng high-pressure water cannon.

Kinondena ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro ang pinakabagong insidente sa karagatan at sinabi ring prayoridad ng Pangulo ang kaligtasan ng mga mangingisdang Filipino.

Ipinag-utos din na magkaroon ng deployment sa mga strategic location para mabantayan at ma­bigyan ng proteksiyon ang ating mga mangi­ngisda.

COAST GUARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with