P33 bilyong pondo sa FMR projects aprub na sa Bicam
MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng Kongreso ang P33 bilyong pondo para sa Farm-to-Market Roads (FMR) projects sa isinasagawang Bicameral Conference Committee meeting sa P6.793 trilyong 2026 national budget.
Ito’y matapos ang halos dalawang oras na diskusyon sa pagitan ng mga kinatawan ng Kamara at Senado. Dito’y kinukuwestiyon nina Sens. Pia Cayetano, Loren Legarda at Imee Marcos ang isyu ng pananagutan at posibleng overpricing sa implementasyon ng FMR.
Sa orihinal na panukala, nasa P16 bilyon ang pondo ng FMR sa ilalim ng National Expenditure Program.
Samantalang ang Kamara ang unang nagsulong na itaas ang pondo ng FMR sa P32 bilyon.
“While we understand that there are [FMR] projects that are under deeper evaluation, investigation or show low utilization largely due to implementation capacity constraints, but I believe these are isolated cases and should not be used to penalize an entire program that directly supports over 10 million Filipino farmers,” saad ni Davao de Oro 1st District Rep. Maria Carmen Mabanglo-Zamora.
Ang Bicam ay nagsimula nitong Sabado dakong alas-2 ng hapon sa PICC na natapos alas-2:30 ng madaling araw at nagpatuloy muli alas-3 ng hapon nitong Linggo, Disyembre 14.
- Latest






















