^

Bansa

Paglipat ng NCSC sa DSWD, pinalagan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Duda si Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo Ordanes na mapagtutuunan ng sapat na atensyon at programa ng sector ng mga senior citizen makaraang mailipat ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) sa ilalim ng pamamahala ng Department of Social Welfare and Development mula sa Office of the President (OP).

Inihayag ni Ordanes na masyado nang ma­raming programa ang DSWD na may kaugna­yan sa pagbibigay ayuda at tulong at baka hindi na mabigyan ng sapat na atensyon ang NCSC.

Inihalimbawa niya ang Ayuda para sa Kapos sa Kita Program (AKAP), Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Sustainable Livelihood Program, Kapit Bisig Laban sa Kahirapan, Comprehensive Integrated Delivery of Social Services at mga ibinibigay na tulong sa mga biktima ng kalamidad.

Sinabi pa ni Ordanes na hindi maaaring amyendahan ng isang executive order ang isang umiiral na batas.

Noong nakaraang Setyembre inilabas ng Malakanyang ang Executive Order 96 na naglipat sa NCSC sa ilalim ng panga­ngasiwa ng DSWD base sa hiling ni Social Welfare Sec. Rex Gatchalian.

“Ito po ay pagpapakita na ang isang makapangyarihan ay kayang baluktutin ang batas,” puna ni Ordanes.

At nang sumunod na buwan, naghain ng panukala sa Senado si Sen. Sherwin Gatchalian na magpapatibay sa EO 96, na sa paniniwala ni Ordanes ay pagpapatibay nang pagbaluktot sa batas.

Naniniwala ang mambabatas na malaking kamalian ang hakbang ng Malakanyang sa palagay na sa halip na mapagbuti ang pagbibigay serbisyo sa mga nasa edad 60 pataas ay lalo pang magiging masalimuot ang lahat para sa kanila.

NCSC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with