Gretchen, inabswelto ng DOJ sa ‘missing sabungeros’

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang reklamo laban kay Gretchen Barretto at iba pa kaugnay ng kaso sa mga nawawalang sabungero.
Magugunita na isa si Barretto sa itinuturo ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan na kabilang sa umano’y Pitmaster Alpha Group.
Batay sa 120-pahinang resolution ng DOJ, sinabi ng panel of prosecutors na “speculative and uncorroborated” ang mga ebidensiya laban sa “Pitmaster Alpha Group” kung saan kabilang si Barretto at iba pang respondents na sina William Ang, Lornalee C. Vingson, Richard Perez, Arman Santos, Jojo Cruz, John Capinpin, Atty. Caroline Cruz, Joey Delos Santos, Angelito Guerra, at Mayor Bernie Tacoy.
Paliwanag nito, walang pruweba na nag-utos o may alam si Barretto o ang grupo sa mga pagdukot sa mga sabungero.
Binigyang-diin naman ng DOJ na maaaring magsampa muli ng kaso kung may bagong ebidensiya na mag-uugnay sa kanila sa ilegal na detensyon.
Una namang naiulat na may sapat na ebidensiya upang kasuhan si Atong Ang at iba pa ng kidnapping with homicide o kidnapping with serious illegal detention kaugnay ng kaso.
- Latest

















