^

Bansa

‘Wilma’ napanatili lakas habang nasa Eastern Samar

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
‘Wilma’ napanatili lakas habang nasa Eastern Samar
Alas-2 ng hapon kahapon, Sabado, si Wilma ay namataan ng Pagasa sa baybayin ng Sulat, ­Eastern Samar taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometro bawat oras at pagbugson na umaabot sa 55 km bawat oras.
PAGASA Satellite

MANILA, Philippines — Napanatili ng bagyong Wilma ang kanyang lakas habang halos hindi guma­galaw sa karagatan ng Eastern Samar.

Alas-2 ng hapon kahapon, Sabado, si Wilma ay namataan ng Pagasa sa baybayin ng Sulat, ­Eastern Samar taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometro bawat oras at pagbugson na umaabot sa 55 km bawat oras.

Dulot nito, signal number 1 sa Sorsogon, Masbate kasama na ang Ticao at Burias Islands, Romblon, southern portion ng Oriental Mindoro, southern portion ng Occidental Mindoro, northernmost portion ng Palawan kasama na ang Cuyo, Calamian at Cagayancillo Islands gayundin sa Visayas sa Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, northern at central portions ng Leyte kasama na ang Bantayan Islands at Camotes Islands, northern portion ng Negros Oriental, northern at central portions ng Negros Occidental, Guimaras, Iloilo, Capiz, Aklan, Antique kasama ang Caluya Islands.

Ang bagyo ay inaasahang mag-landfall sa Eastern Samar o ­Northern ­Samar at dadaan sa Visayas, pupunta ng Sulu Sea at dadaan sa northern Palawan Lunes ng umaga.

Si Wilma ay mananati­ling isang tropical depression habang padaan sa Visayas at Palawan.

Dahil sa epekto ng amihan, may posibilidad itong humina habang nasa may Visayas.

Ngayong Linggo, si ­Wilma ay inaasahang nasa coastal waters ng Carles, Iloilo.

TROPICAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with