PANOORIN: Romulo humarap sa ICI, humiling ng closed-door session
MANILA, Philippines — Humarap si Pasig Rep. Roman Romulo sa pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) nitong Miyerkules, December 3, kaugnay ng mga umano’y anomalya sa mga flood control project.
Nag-request si Romulo ng executive session, na aniya’y kailangan dahil sa banta umano sa kanyang buhay sakaling maisapubliko ang kanyang testimonya.
Pinagbigyan ng komisyon ang kahilingan ng kongresista. Matatandaang idinadawit siya ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya sa umano’y pagtanggap ng kickback mula sa ilang flood control projects — alegasyong paulit-ulit nang itinanggi ni Romulo, na kaalyado sa politika ni Pasig Mayor Vico Sotto, na siyang unang nag-expose sa mga Discaya. — EC Toledo
- Latest


















