^

Bansa

Founder ng Angkas nagpakitang gilas sa UNCTAD eTrade

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Nagpamalas ng ­galing ang Angkas founder na si Angeline Tham na kumatawan sa Pilipinas sa eTrade for Women Masterclass, sa pananaw kung paano mapasigla ang digital platform at pag-unlad ng kabuhayan ng informal sector, at kung paano hinuhubog ng mga babaeng negosyante ang paglago ng ekonomiya sa susunod na dekada.

Si Tham na kasali sa women digital entrepreneurs sa Southeast Asia and the Pacific ay nagsilbing speaker sa United Nation Conference on Trade and Development (UNCTAD) eTrade for Women Masterclass, na ginanap sa Maynila mula Nobyembre 18 hanggang 21, 2025.

Sa programang “­Powering Growth & Impact for Women-Led Digital Business”, pinagsama-sama ang mga nangungunang babaeng tagapagtatag na nagtutulak ng digital transformation sa kanilang mga bansa, na sumasalamin sa pangako ng United Nations sa pagsusulong ng gender-inclusive growth.

Layunin nito na humubog ng makabagong digital economy ng mga rehiyon na higit na kailangan ang paglikha ng makabagong negosyo, partikular ang pagsuporta sa mga micro-entrepreneurs.

Ang mga babaeng digital entrepreneurs na lumahok ay mula Cambodia, Fiji, Indonesia, Malaysia, Papua New Guinea, Pilipinas, Timor-Leste, Vanuatu, at Vietnam.

ANGKAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with