^

Bansa

De Lima kay Co: Style mo bulok!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

“Style mo bulok!”

MANILA, Philippines —  Ito ang mariing pa­tutsada ni House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima kay dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co kaugnay ng mga rebelasyon nito sa maanomalyang flood control projects.

Nagpasaring si De Lima kay Co na umaasta umano na hawak ang katotohanan pero nagtatago naman sa pananagutan sa batas.

“Hindi umuuwi dito. At worse, ina-abswelto ang sarili. Tapos ine-expect niya, maniniwala tayo sa lahat ng sinasabi niya? Style-bulok yan. Hindi papasa ang mga satsat na hindi kayang panghawakan. Ang katotohanan, pinaninindigan sa tamang lugar. Hindi pang-content lang! Hindi video-video lang!,” ani De Lima.

Kasabay nito, sinabi ni De Lima na dapat ng isunod ang mastermind at mga big fish sa korapsyon na kasuhan at ikulong kaugnay ng pagkakasangkot sa maanomalyang flood control projects.

Anya, bagaman may mga nakasuhan na sa flood control projects scam pero kulang pa ito dahil wala pang mga big fish at nakakalaya pa rin sa pananagutan ang mastermind.

“May mga na-freeze nang assets. May mga nagbalik ng nakaw na yaman pero mukhang isa pa lang. Pero tingi-tingi lang. Hindi pwedeng nagnakaw ng bil­yun-bilyon, tapos barya lang ang isosoli!,” saad ni De Lima.

ML

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with