Energy drink magbubukas ng libu-libong trabaho sa Pinoy
MANILA, Philippines — Bilang tugon sa kinakaharap ng ekonomiya ng bansa, isang manufacturing company ang target magbukas ng libong trabaho sa mga Pilipino sa susunod na taon kasunod ng paglulunsad sa kauna-unahang Lamborghini luxury energy drink – isang tatak Pinoy na kumpanya – kung saan ang Pilipinas ang napiling mag-distribute sa buong South East Asia.
Ang Tonino Lamborghini luxury energy drink ay nakipag-partner sa VELZA Global, isang Filipino manufacturing company na magtatayo ng planta sa Cavite.
Target ng kumpanya na gawing regional hub ang Pilipinas para sa Southeast Asia—lalo na’t kabilang ang bansa sa may pinakamataas na konsumo ng energy drinks sa rehiyon.
Kapag naitayo na ang planta, inaasahang makalilikha ito ng libu-libong trabaho—mula production hanggang distribution—na inaasahang makatutulong sa pag-angat ng employment situation sa bansa.
“We we’re expecting na makakuha tayo ng thousands of employees dito and also matulungan po yung ekonomiya natin na hindi nalang laging negative ang naririnig po natin about sa korapsyon. Let’s make our country proud again,” wika ni Jaymee dela Rosa, presidente ng VELZA Global.
Ipinangako naman ng Chief Executive Officer (CEO) ng VELZA Global na si Ajit Narapareddy na sisikapin nilang itaas ang kalidad ng energy drink sa Pilipinas sa pamamagitan ng Lamborghini Energy Drink dahil hindi lamang ito premium product, kundi isang luxury product na ka-presyo lamang ng mga ordinaryong energy drink.
- Latest






















