Pangulong Marcos: That lady is not my sister

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pag-aalala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang kapatid na si Sen. Imee Marcos matapos ang mga pahayag nito na gumagamit ang Presidente at kanyang pamilya ng ipinagbabawal na gamot.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ng Pangulo na bagama’t ayaw niyang magladlad ng dumi ng pamilya sa publiko ay nag-aalala siya at kanilang pamilya sa kalagayan ngayon ng kanyang kapatid.
Ito rin aniya ang pananaw ng kanyang mga pinsan, mga kaibigan kaya umaasa sila na sana ay gumaling na ang Senadora.
“That view is shared by our cousins, our friends, hindi siya yan. So that’s why we worry. I hope she feels better soon,” malungkot na pahayag ni Pangulong Marcos.
“For a while now, we’ve been very worried about my sister. When I say we. I’m talking about friends and family. The reason that is because the lady that you see talking on tv is not my sister,” emosyonal na pahayag ni Marcos.
Sa tanong naman kung nag-usap na sila ni Sen. Imee tungkol sa alegasyon, sagot ni Marcos, hindi na sila pareho ng direksyon, pampulitika man o iba pa.
Agad namang sinagot ni Imee ang sinabi ng Pangulo.
“Bongbong, ako ‘to, kung anu-ano na nakikita mo ading. Patunayan mong mali ako - gusto kong mali ako,” sabi ni Imee sa kanyang post sa Facebook.
Matatandaang sa speech ni Imee sa INC rally ay inakusahan nito ang Pangulo, FL Liza at Rep. Sandro Marcos na gumagamit umano ng ilegal na droga.
- Latest



















