1,200 katao mahaharap sa kasong kriminal sa flood scam

MANILA, Philippines — Inihayag ni Independent Commission for Infrastructure (ICI) Commissioner Rogelio “Babes” Singson kahapon na tinatayang nasa 1,200 katao ang maaaring maharap sa mga kasong kriminal kaugnay ng maanomalyang flood control projects sa bansa.
Ayon kay Singson, na dating kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH), nasa 15 indibidwal ang mahaharap sa kaso sa bawat maanomalyang proyekto ng flood control, na ngayon ay nasa 80 na, o kabuuang 1,200 indibidwal.
“Eighty, multiply it by 15, do your math. I’m sorry to the Ombudsman, malulunod ka ng papeles at referrals,” dagdag ni Singson.
Kaugnay nito, sinabi rin ni Singson na nasa 64 personnel mula sa pulis at militar, ang idineploy na upang mangalap ng mga ebidensiya sa maanomalyang flood control projects, na itinayo ng mga contractors na tinukoy ni Pang. Marcos.
Aniya, “We’re expecting additional documents coming from the joint AFP-PNP ground troops who are on the ground. Next week, dadagsa po ‘yan.”
- Latest

















