Resignation nina Bersamin, Pangandaman galing Palasyo

MANILA, Philippines — Nanindigan si Palace Press Officer Atty. Claire Castro na galing sa Palasyo ang inanunsyo nito tungkol sa resignation nina dating Executive Secretary Lucas Bersamin at Budget Secretary Amenah Pangandaman.
Ito ang sinabi ni Castro, matapos pabulaanan ni Bersamin ang naunang pahayag ng Malacañang na hindi siya nagsumite ng resignation taliwas sa anunsyong nagbitiw umano sila “out of delicadeza.”
Sa press briefing sa Palasyo, binasa ni Usec. Castro ang opisyal na pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), kung saan kinikilala ng Malacañang ang paglilinaw ni Bersamin at ang kanyang paliwanag tungkol sa naging transition.
Ayon sa PCO, ginawa ang anunsyo nang may konsiderasyon sa katatagan at continuity ng pamamahala, at alinsunod sa pang-unawa at posisyong inilahad mismo ni Bersamin sa kanyang panayam.
Sa huli, sinabi ni Castro na iginagalang nila ang saloobin ng dating Executive Secretary.
Sa naunang pahayag ni Bersamin, inamin din nito na nabigla sya sa biglaang pagpapalit ng liderato, ngunit wala umano siyang sama ng loob sa administrasyon.
- Latest



















