CBCP ‘di mananawagan ng ‘Pangulong Marcos resign’
MANILA, Philippines — Walang plano ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na manawagan para bumaba sa puwesto si Pang. Ferdinand Marcos Jr..
Ayon kay Father Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs (ECPA), wala silang paninindigan na magbitiw ang Pangulo at sa halip ay nakatuon aniya sila sa rule of law at accountability.
Giit pa ng pari, ang kanilang nais ay magkaroon ng legal na proseso at litisin at mapanagot ang mga taong sangkot sa korapsiyon at anomalya sa flood control projects sa bansa.
“Wala pong paninindigan ang Simbahan na pababain ang Pangulo at ‘yung binabanggit na rule of law, ‘yun po ‘yung pinaninindigan kung ano ‘yung legal na proseso dapat gawin po ito at kung sinuman po ang mga nasasangkot ay dapat litisin at kasuhan na para magkaroon na ng accountability,” paliwanag pa ni Secillano, sa isang media interview.
- Latest




















