Courier firm inilunsad ang 'Proteksure' health insurance

MANILA, Philippines — Sa pagtaas ng gastos pang kalusugan at ang palagiang panganib ng medical emergencies, maraming Pinoy ang isang pagkakasakit o aksidente lamang ang layo mula sa problema sa pananalapi.
Dahil dito, inilunsad ng LBC Express — na nakipagtambal sa iCare HMO at Generika Drugstore at sa digital technology ng Stere Asia Pacific — ang Proteksure Prepaid Health Plan, isang practical at affordable healthcare solution na idinisenyo para sa mga Filipino.
Bilang healthcare partner sa nasabing kolaborasyon, dadalhin ng iCare ang kanilang pangunguna sa accessible at sustainable healthcare protection —ngayon ay No. 1 sa accredited hospitals at clinics at No. 2 sa overall provider network nationwide.
Sa pamamagitan ng iCare’s prepaid plans, ang healthcare ay magiging simple, affordable at instantly usable na magpapalakas sa bawat Pinoy na proteksyunan ang kanilang mga sarili.
Ikaw man ay isang professional, breadwinner ng pamilya, isang magulang o isang nag-aalala sa kinabukasan ng kanyang mga minamahal, ang Proteksure ang tutulong sa iyo na maging handa sa mga bagay na hindi inaasahang dumarating sa buhay.
Maaari kang pumili ng plan na angkop sa pangangailangan ng iyong pamilya.
Sa ER Care Choice 20 plan ay makakakuha ka ng P20,000 halaga ng emergency coverage para sa mga accidents, viral at bacterial illnesses para sa isang premium na P550 lamang.
At sa ER Care Fit 50 plan ay makakatanggap ka ng P50,000 halaga ng emergency coverage para sa mga aksidente sa low premium na P250.
Ang parehong plans ay may kasamang P100 halaga ng medicines mula sa Generika Drugstore.
Madali lang ang pag-avail ng Proteksure Prepaid Health Plan. Walang mahabang forms. Hindi na maghihintay ng pag-iisyu ng health coverage kundi isang mabilis at simpleng online application lamang na may real-time issuance ng health coverage na makukuha sa lahat ng 1,300+ LBC Express branches nationwide.
Bisitahin lang ang LBC Express branch na malapit sa iyo para sa detalye.
- Latest



















