^

Bansa

Itutumba ako sa kulungan - Zaldy Co

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipakukulong umano siya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at magha-hire ng pulis na assassin para barilin siya sa loob ng kulungan kapag umuwi siya sa bansa.

Sa ikatlong bahagi ng inilabas na video ni Co, sinabi nito na plano umano siyang ipa-“rubout” kapag umuwi siya sa Pilipinas.

“It will be dangerous for me to come home. They will hire someone to do a rubout on me or to hire a police to kill me in jail,” ani Co.

Dahil aniya sa death threat, ayon kay Co ay nag-atubili siyang umuwi sa bansa kaya’t nag-upload na lamang ng video sa Facebook na ipinadala sa mga reporters ng Kamara.

Ayon kay Co, Marso pa lamang ay tumawag sa kaniya si dating Speaker Martin Romualdez na sinabing ‘he will shoot me’ pag umuwi ako at ayon dito ay pinagsabihan siyang huwag nang umuwi dahil masyadong mapa­nganib umano.

Aniya, alam niyang sa kaniyang inilantad ay lalong dumarami ang banta sa kaniyang buhay at ng kaniyang pamilya.

Sinabi ni Co na sana umano ay hindi siya mapatay bago niya mailabas ang lahat dahilan ginawa lamang ang utos sa kaniya at handa na siyang harapin ang isyu.

ZALDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with