^

Bansa

Part 2 video ni Zaldy Co, drama at emosyon lang – Goitia

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Halata umanong idinisenyo upang makalikha muli ng ingay ang ikalawang video ni dating Ako Bicol partylist representative Zaldy Co para gibain si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating House Speaker Martin Romualdez, ayon sa lider ng apat na makabayang organisasyon.

“Puno ng theatrics, emosyon, at akusasyong tila idinisenyong magpahiwatig ng katiwalian sa pinakamataas na antas ng pamahalaan” ang ika-2 video at hindi beripikadong katotohanan,” pahayag ni Dr. Jose Antonio Goitia.

Ang mabigat na para­tang ni Co tungkol sa umano’y paghahatid ng pera sa Malacañang at kay Romualdez ay dapat may kasamang dokumento.

Salungat aniya ito sa mga opisyal na aksyon ng Pangulo, tulad ng pag-veto nito sa P194 bilyong questionable items sa 2025 national budget.

Maituturing aniya na kuwento lang, dahil hindi naman sapat ang mga larawan ng nakahilerang maleta kung walang patunay kung saan kuha ang larawan, kailan, sino ang nagdala, o ano ang laman at kung dinala ito mismo kay Pang. Marcos.

May butas at kahinaan ang naratibo ni Co sa kanyang video,  na pawang magkakasalungat tulad ng “nagdala siya ng pera, wala siyang tinanggap na pera, napilitan lang siya, at inilalantad niya ang katotohanan.

Hamon niya kay Co, sa Pilipinas siya maglahad, panumpaan sa mga institusyong may kapangyarihang magsiyasat.

Si Goitia ay Chairman Emeritus ng apat na kilala at respetadong civic-oriented organizations: Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement — mga platapormang patuloy niyang ginagamit upang isulong ang soberanya, reporma, at dignidad ng sambayanang Pilipino.

AKO BICOL

ZALDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with