^

Bansa

15-anyos sumagip ng 50 katao sa Cebu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ginawaran ng ‘full scholarship’ sa kaniyang katapangan ang isang 15-anyos na tinedyer na lalaki na sumagip ng 50 katao sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Tino sa Liloan, Cebu, ayon sa ulat kahapon.

“Scholarship for ­teenage hero,” pahayag ng Liloan local government sa isang facebook post kung saan tatanggap rin si Jayboy Magdadaro ng P3,000 buwanang allowance sa kaniyang pag-aaral.

Ayon kay Liloan ­Mayor Aljew Frasco, kahanga­hanga si Magdadaro sa ipinakitang kabayanihan, tapang at malasakit sa kaniyang mga kababayan na na-trap sa bubungan ng kanilang mga tahanan at humihingi ng saklolo.

“This is in recognition for his ‘heroic act’ of saving around 50 people who needed help navigating floodwaters brought by torrential rains from typhoon Tino”, ayon sa pamahalaang bayan ng Liloan.

Nabatid na sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Tino kung saan lagpas tao ang baha at ang mga residente ng Brgy. Cotcot at Jubay, Liloan ay nasa ­bubungan na ng kanilang mga ­tahanan ay kinuha ni Jayboy ang kaniyang bangka at iniligtas ang mga tao na dinala nito sa ligtas na lugar.

“Kahit malakas ang tubig, pinilit kong tumulong kasi naririnig ko ang sigaw ng tao,” pahayag ni Jayboy sa isang television interview.

Sinabi nito na ang pagkahilig niya sa skimboarding sa dagat ay nakatulong para mamangka sa gitna ng malakas na agos ng tubig baha .

Nang mabatid ni Mayor Frasco ang kabayanihan ni Jayboy, anak ng kaminera o street sweeper na si Alma Magdadaro, ay ginawaran ito ng kanilang pamahalaang lokal ng full scholarship hanggang kolehiyo sa kursong nais ng bayaning tinedyer.

CEBU

LILOAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with