Uwan mas lumakas pa!

MANILA, Philippines — Patuloy ang paglakas ng bagyong Uwan habang papalapit sa Bicol Region.
Alas-5 ng hapon kahapon, ang sentro ng bagyo ay namataan ng PAGASA sa layong 575 kilometro silangan ng Catarman, Northern Samar o nasa layong 620 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 150 kilometers per hour (kph) at pagbugso na aabot sa 185 kph.
Dulot nito, nakataas ang signal no. 3 sa Luzon sa Catanduanes, eastern portion ng Camarines Sur, eastern portion ng Albay at northeastern portion ng Sorsogon gayundin sa Visayas sa northeastern portion ng Northern Samar.
Signal no. 2 sa Luzon sa eastern portion ng mainland Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Metro Manila, Rizal, Laguna, Quezon, Marinduque, Camarines Norte, nalalabing bahagi ng Camarines Sur, nalalabing bahagi ng Albay, nalalabing bahagi ng Sorsogon, Burias Island, at Ticao Island.
Signal no. 2 rin sa Visayas sa nalalabing bahagi ng Northern Samar, northern at central portions ng Samar, northern at central portions ng Eastern Samar.
Si Uwan ay kikilos pakanluran hilagang kanluran ngayong Linggo, November 9 bago bumalik sa pangkalahatang direskyon ng hilagang kanluran sa Lunes, November 10.
Ang sentro ni Uwan ay lalapit sa Catanduanes ngayong Linggo ng umaga at magla-landfall sa southern portion ng Isabela o sa northern portion ng Aurora ngayong Linggo o sa Lunes ng umaga.
Makaraang mag-landfall, si Uwan ay dadaan sa mountainous terrain ng Northern Luzon at lalapit sa Lingayen Gulf o sa baybayin ng Pangasinan o La Union sa Lunes ng umaga o sa hapon.
Maaabot ni Uwan ang Super typhoon category Sabado ng gabi o ngayong Linggo ng umaga.
Ang paglapit ni Uwan sa terrain ay magiging daan ng kanyang paghina pero inaasahang mananatiling isang bagyo sa pagdaan sa may Northern Luzon.
Sa Martes, Nob. 11, si Uwan ay inaasahang nasa layong 335 kilometro kanluran ng Calayan, Cagayan hanggang sa lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
- Latest

















